Ama ng pasyente nanaksak ng doctor at nurse

Sa imbestigasyon ng Buhangin PNP, gusto ng suspek na asikasuhin kaagad ang kanyang 9-anyos anak na naaksidente subalit may ginagawa pa raw ang doktor na si Donna Jean Pojol Subaldo ng Trauma Surgery Department Station, at ang nurse na si Lea Pauya Elica, auxiliary nurse ng ER section. STAR/File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Pinagsasaksak ng 41-anyos na ama gamit ang heringgilya (injection) ang doctor at nurse matapos na hindi agad naasikaso ang kanyang anak na sugatan nang isugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, ayon sa ulat kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jesus Dayondon Manalo, laborer, at residente sa Purok 2, Gravahan, Barangay Matina Crossing sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Buhangin PNP, gusto ng suspek na asikasuhin kaagad ang kanyang 9-anyos anak na naaksidente subalit may ginagawa pa raw ang doktor na si Donna Jean Pojol Subaldo ng Trauma Surgery Department Station, at ang nurse na si Lea Pauya Elica, auxiliary nurse ng ER section.

Dito na nagalit ang suspek at kinuha sa lamesa ang heringgilya at saka sinaksak ang leeg ng doktor at nurse.

Agad namang nasakote ng mga security guard si Manalo at inindorso sa Buhangin PNP habang nasa maayos naman na kondisyon ang doctor at nurse.

Hindi muna nagbigay nang pahayag ang pamunuan ng ospital kaugnay sa nasabing insidente.

Show comments