MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 35 kilometro hilaga-silangan ng bayan ng Burgos kaninang 4:36 ng umaga.
May lalim na 12 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Intensity 3 ang naranasan sa Burgos, habang Intensity 2 naman ang naramdaman sa Surigao City at Intensity 1 sa bayan ng Mainit.
Ilang minuto lamang ang nakaraan nang tumama ang lindol ay may nauna pang magnitude 4.2 na lindol din sa Burgos ganap na 4:31 ng umaga.
Intensity 2 ang naramdaman sa Surigao City.
Wala namang naiulat na aftershock ang Phivolcs.