PANUKULAN, QUEZON, Philippines – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang miyembro ng tribung Dumagat matapos na ito ay pagtatagain nang hindi nakikilalang suspek sa labas ng bilyaran sa Barangay Libo, kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Reynan Prudente, 22, binata at residente ng Barangay Matanglad.
Batay sa ulat, bago nakita ang bangkay ng biktima ay bandang alas-9:15 ng gabi ay nakipag-inuman ito sa kapwa mga Dumagat sa loob ng isang bilyaran.
Ilang sandali ay nagpalaam ito sa mga ka-tribu na bibili lamang ng kendi sa katapat na tindahan.
Subalit, ilang minuto ang lumipas ay nagtataka ang mga kasama na hindi pa ito nakakabalik kaya’t kanilang hinanap at ganun na lamang nang makita na ito ay duguan at patay na.