Binata nalunod sa pagsagip sa kaibigan

MANILA, Philippines – Nagbuwis ng buhay ang isang 19-anyos na binata makaraang ito ang malunod sa pagtatangkang sagipin ang kaibigan na nalulunod habang lumalangoy sa Agno River sa Brgy. Laoac, Alcala, Pangasinan noong Araw ng Pasko.

Kinilala ang nasawing si Edmark Malaso, residente ng Brgy. Legaspi, San Manuel, Tarlac.

Sa ulat ng Pangasinan Police, naitala ang insidente sa Brgy. Laoac, Alcala ng lalawigan ng Panga­sinan bandang alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, nagkatuwaan ang biktima at mga kaibigan nito na maglanguyan sa Agno Ri­ver. Kasalukuyang nagdadive sa pampang ng ilog si Malaso nang makita nito ang kaibigan na nagkakawag habang nalulunod.

Agad namang sumaklolo si Malaso para sagipin ang kaibigan pero sa kamalasan ay ito ang nalunod habang nailigtas naman ng kanilang iba pang mga kasamahan ang nalulunod nilang barkada.

Nagpapatuloy naman ang search and retrieval ope­ration ng rescue team sa nalunod na si Malaso.

Show comments