Anak nag-amok, pinabulagta ng ama!

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Imbes na ipagdiwang ang masayang Pasko, pinaglalamayan ngayon ang isang 25-anyos na obrero matapos na barilin ng desabog ng sariling ama sa kanilang bahay sa Sitio Loob, Brgy. Bateria, San Esteban, IIocos Sur kamakalawa ng gabi. ?

Ayon kay PO3 Efren Inciong Villalba Jr. , lango sa alak nang umuwi ang biktimang si Thristan Jay Calina dakong alas-7:00 ng gabi at pinag-tripang awayin ang mga magulang dahil sa nararanasan niyang paghihirap.?

Sa halip na huminahon dahil sa pakiusap ng kanyang ama na dating seaman na si Emmanuel Calina 59, nanlisik ang mga mata ng biktima at umakmang kakatayin ang magulang gamit ang kutsil­yo. Dahil dito, agad na kinuha ng matandang Calina ang kanyang baril na de sabog at dalawang beses niyang pinaputukan ang nagwawalang anak.?

Patay agad sa lugar ang biktima dahil sa tinamong matinding tama sa katawan habang agad na dinakip ng mga nagrespondeng pulis ang matanda matapos ang insidente.

Show comments