2 lolo natusta sa sunog

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lolo makaraang makulong ng apoy sa nasunog na bahay sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang dalawa na sina Jesus Madraga, 80; at Miguel Bacacho, 70, halos hindi na makilala dahil sa grabeng pagkasunog. Sa ulat ni P/Supt. Dominador Zabala Jr., Fire Marshal ng Zamboanga City, bandang alas-11 ng gabi nang magsimulang masunog ang bahay ni Madraga sa Torres Subdivision kung saan mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan. Umabot ng 2nd alarm ang sunog bago pa naapula ng mga miyembro ng pamatay-sunog kahapon ng madaling araw habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments