MANILA, Philippines — Dalawang sundalo ang sugatan matapos harangin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tatlong trak na may kargang relief goods para sa mga biktima ng bagyong “Nona” sa Samar ngayong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ulat, bandang 7:30 ng umaga naganap ang panghaharang ng mga miyembro ng NPA sa pagitan ng Madalunot at Pahug sa Pinabacdao, Samar.
"The NPAs are continuously and deliberately conduct atrocities like ambuscades against our troops who are only doing their job to assist in Humanitarian Assistance Disaster Response Operations, secure peace and share the Christmas spirit," pahayag ni Philippine Army spokesperson Capt. Isagani Viernes .
Kaagad naman nagpadala ng reinforcement team ang 87th Infantry Battalion.
Tiniyak naman ni Viernes na patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Nona.
Tinatayang nasa P320 milyon ang halaga ng pinsala sa agriukultura at impastraktura, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
Sa pinakahuling update ng PAGASA ay isa na lamang low pressure area si Nona na limang beses tumama sa kalupaan.
Isa pang bagyong si “Onyok” ang nakatakdang mag-landfall sa Caraga region ngayong hapon.