TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang dalawang sundalo ng Philippine Army habang lima naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos mahulog ang military truck sa bangin sa Sitio Rabaw, Barangay Naguilian sa bayan ng Calanasan, Apayao kamakalawa.
Idineklarang patay sa Northern Cagayan Hospital sa bayan ng Sanchez Mira ang mga biktimang sina T/Sgt. Alberto Agustin at Pfc. Angeles habang agaw-buhay sina Sgt. Presco Zalun, Capt. Dingle, Sgt. Belo, S/Sgt. Aguilar, at si Pfc. Valdez.?
Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Robert Gallardo, Apayao PNP director, patungong kampo ng 502nd Infantry Brigade sa bayan ng Echague, ang mga biktima mula sa pakikipaglibing sa namayapang Apayao Governor Elias Bulut Sr. nang makasalubong si kamatayan.?
Nabatid na malakas ang buhos ng ulan nang nadulas sa maputik na kalsada ang truck na minamaneho ni Sgt. Zalun kaya mahulog sa malalim na bangin dakong alas-5:30 ng hapon.?