LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 70-anyos na lola at apo nito makaraang mabagsakan ng punungkahoy na nabuwal sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Nona sa Barangay Boton, bayan ng Casiguran, Sorsogon kamakalawa. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umaga nang matagpuan ang maglolang sina Violeta Habla at Edina Habla, 11, na magkayakap sa loob ng kanilang bahay na nabagsakan ng malaking punungkahoy na nakatanim sa bakuran. Nabatid na ang maglola lamang ang naiwan sa bahay dahil hindi na makauwi ang mga kaanak dahil sa lakas ng bagyong Nona na tumagal ng ilang oras.