^

Probinsiya

Bus vs tindahan: 4 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng pampasaherong GMW Bus ang tindahan sa gilid ng highway sa Barangay Mana­ring, Ilagan City, Isabela kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP ang mga naisugod sa Governor Faustino Dy Sr. Memorial Hospital na sina Salvador Bangug, 55, may-ari ng tindahan; Johnbert Eda, 46, bus conductor;  Alda Tolentino, 41; at ang bus dri­ver na si Jerry Tolentino, 44.?

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng control sa manibela si Tolentino pagsapit sa kurbadang highway habang bumubuhos ang ulan kaya nasalpok ang tindahan ni Bangug na noon ay nakaupo at umiinom ng kape.?

Nakaiwas naman ang mga residenteng nagla­lakad  kung saan nagsigawan at nagsitakbuhan sa iba’t ibang direksyon.

Inihahanda ang kasong reckless imprudence at multiple physical injuries laban sa driver ng bus.

ACIRC

ALDA TOLENTINO

ANG

APAT

BARANGAY MANA

GOVERNOR FAUSTINO DY SR. MEMORIAL HOSPITAL

ILAGAN CITY

JERRY TOLENTINO

JOHNBERT EDA

MANUEL BRINGAS

SALVADOR BANGUG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with