Bouncer ng sabungan itinumba

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Isang 54-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang gunman sa loob ng Pampanga Coliseum,Brgy. Del Rosario, McArthur Hi-way, City of San Fernando,Pampanga noong Linggo ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Joseph Guerrero 54, bouncer, residente ng Brgy. Akli, Mexico,Pampanga.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay inaayos ng biktima ang kanyang nakaparadang motorsiklo nang ito ay lapitan ng suspek at walang kaabog-abog na binaril at nang bumulagta ang biktima ay agad itong tumakas.

Patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at makilala ang suspek.

Show comments