Paslit na may lagnat ginulpi ng tiyuhing pulis

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Walang-awang pinaggugulpi ng isang pulis ang kanyang 3-anyos na pamangking babae na may sakit matapos mabuwisit sa kaiiyak nito na naganap kamakalawa sa Brgy. Nalasin, Sto. Domingo, Ilocos Sur. ?

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Mikkalla Valdez.

Habang ang suspek na inaresto ng kanyang kabaro ay nakilalang si PO1 Renante Remiendo, miyembro ng Qurino Police Station.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga ay nari­nig ng tiyahin ng suspek na si Erlinda Ballesteros ang palahaw nang iyak ng bata at sunod-sunod na sampal at ilang sandali ay nakita niya na lumabas ang suspek karga ang lupaypay na katawan ng biktima para dalhin sa ospital.

Ang biktima ay namatay sa Magsingal District Hospital sanhi ng mala­lang bugbog sa ulo at katawan.?

Malaki ang hinala ng pulisya na naiirita ang suspek sa kaiiyak ng pamangkin na iniwan sandali ng nanay para ito ay bilhan ng gamot.

 

Show comments