4-anyos positibo sa HIV

MANILA, Philippines – Isang apat na taong gulang na lalaki ang pinakabatang biktima ng human immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Department of Health (DOH) Zamboanga City regional office.

Ayon kay Clarisa Jose, DOH regional STI/AIDS program coordinator, isa ang batang lalaki sa siyam na kumpirmadong may HIV nitong Oktubre.

Dagdag niya na nakuha ng batang biktima ang HIV matapos ang unprotected sex ng kaniyang mga magulang.

Patuloy na tinututukan ng DOH ang mga biktima ng HIV, kabilang ang 4-anyos na bata, kung saan namamahagi rin sila ng libreng gamot.

Show comments