Guro tiklo sa drug bust

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kalaboso ang kinahantu­ngan ng 39-anyos na guro sa pampublikong paaralan matapos itong masakote sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa Barangay Tara, bayan ng Sipocot sa Camarines Sur kahapon ng umaga.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Gil Antonio Camu, may asawa at nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Jerome Regachuelo, hepe ng Sipocot PNP, sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Irma Isidora M. Boncodin-Zamudio ng Libmanan Regional Trial Court Branch 57 sa Camarines Sur.

Nasamsam sa suspek ang siyam na plastic sachets ng shabu, mga drug paraphernalia, granada, digital weighing scale, at ang sasakyan na may plakang TEG-935.

Ayon sa ulat, isang linggong isinailalim sa pagmamat­yag ang suspek na sinasabing nagpapakalat ng droga pagkatapos nitong magturo sa pampublikong paaralan.

Show comments