CAMARINES NORTE, Philippines – Napatay ang 33-anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng isang trader sa bisinidad ng fishport sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Romeo Fenix ng Purok 2 sa Barangay 4 sa nasabing bayan habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Joel Sarical, 47, fish broker at nakatira sa Purok 1, Barangay 3 sa bayan ng Mercedes. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na kinompronta ng suspek na sangkot ang biktima kaugnay sa pakikialam nito sa fishport. Nangatwiran naman ang biktima kaya nagalit ang suspek kung saan siya pinagbabaril at napatay. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng cal. 40 pistol habang narekober sa bulsa ng biktima ang isang patalim, 3-plastic sachet ng shabu, glass tooter, aluminum foil at lighter.