13 mag-aaral positibo sa drug test
NORTH COTABATO, Philippines – Nabahala ang pamahalaang lokal sa bayan ng Tupi, South Cotabato ang pagdami ng mga estudyante na nalululong sa bawal na droga. Ayon kay Mayor Reynaldo Tamayo Jr., 40 porsyento o 13 sa 33 estudyante ang nagpositibo sa unang batch ng drug testing na isinagawa sa pampublikong paaralan kahapon.
Dahil dito, isasailalim sa moral recovery program ang mga nagpositibong mag-aaral at kanilang mga magulang. Pahayag pa ng alkalde na lahat ng mag-aaral sa kanilang bayan ay isasailalim sa drug testing hangga’t maging drug-free ang kanilang lugar. Nasa P3 milyong pondo ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa drug testing ng mga estudyante, empleyado, barangay officials at mga manggagawa sa bayan ng Tupi.
- Latest