^

Probinsiya

Kaso vs dawit sa ‘tanim-bala’ scam, kasado na

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasado na ang isasampang kaso laban sa mga natukoy ng National Bureau of Investigation-Special Task Force   kaugnay sa ‘tanim laglag bala’ o TALABA scam na naging kontrobersiyal na isyu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inihayag ito kahapon ni NBI Director Virgilio Mendez, sa ginanap na opening ceremonies ng 3 araw na Conference-Workshop on Transnational Crime Investigation and International Law Enforcement Cooperation na ginaganap sa Pan Pacific Hotel, sa Malate, Maynila.

Ani Mendez, kumpleto na ang imbestigasyon at naisumite na kamakalawa ng hapon sa Department of Justice (DOJ) bagamat hindi naman idinetalye ang nilalaman ng report hinggil sa TALABA scam probe. Gayunman, kinumpirma niya na kabilang sa naging rekomendasyon ang paghahain ng kaso laban sa mga indibidwal sa nasabing tanim-bala scheme na naglagay sa hindi magandang impres­yon sa nasabing paliparan.

Nasa walo katao o complainants na pawang pasahero ang humingi ng tulong sa NBI  hinggil sa pinaniniwalaan nilang biktima lamang sila ng extortion at tinaniman lamang ng bala.

ACIRC

ANI MENDEZ

CONFERENCE-WORKSHOP

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

GAYUNMAN

INIHAYAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-SPECIAL TASK FORCE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PAN PACIFIC HOTEL

TRANSNATIONAL CRIME INVESTIGATION AND INTERNATIONAL LAW ENFORCEMENT COOPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with