Magsasaka nag-amok: 4 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Apat-katao kabilang ang mag-utol na bata ang nakikipaglaban kay kamatayan matapos na pagsasaksakin nang nag-amok na 29-anyos na magsasaka na sinasabing dating pasyente sa mental hospital sa Brgy. Gumarweng, bayan ng Piat, Cagayan kamakalawa. Ayon kay P/Chief Insp. Pepito Mendoza, hepe ng Piat PNP, kaagad namang nahuli ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na si Arnold dela Cruz na sinasabing hindi nakainom ng gamot ng ilang araw sa kanyang karamdaman sa pag-iisip. Nabatid na unang inundayan ng saksak ni Dela Cruz ang namamasadang trike driver na si Ernesto Miguel. Isinunod na pinagsasaksak ang 39-anyos na si Marites Pascual at dalawang anak nito na sina Jeffrey Pascual,16; at Mike Philip Pascual, 3. Sa salaysay ni Dela Cruz sa pulisya, may mga naririnig siyang boses ng espiritu na nag-uudyok sa kanyang kumatay ng tao kaya niya nagawang mag-amok.?

Show comments