Armadong grupo vs magsasaka: 6 bulagta

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, dakong alas-11:45 ng umaga nang lusubin ng mga armadong grupo ang pamayanan ng mga magsasaka na abala sa pagtatanim sa palayan. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Bumulagta ang dalawang magsasaka, isang security guard at tatlo  naman mula sa armadong grupo makaraang magsagupa ang grupo ng magsasaka at mga bandido sa Sitio Saban, Brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, spokesman ng North Cotabato PNP, dakong alas-11:45 ng umaga nang lusubin ng mga armadong grupo ang pamayanan ng mga magsasaka na abala sa pagtatanim sa palayan.

Gayon pa man,  gumanti naman ng putok ang grupo ng magsasaka na nakipagbarilan sa armadong grupo na tinatayang aabot sa 100 bandido.

Sa nasabing bakbakan na tumagal ng dalawang oras  ay napatay ang dalawang magsasaka na sina Renato Tadiaque at Anthony Camiring.

Sa panig naman ng mga bandido ay napatay ang tatlo sa mga ito na inaalam pa ang pagkakakilanlan at ang security guard ng banana plantation na si Loloy Lumacad.

Ayon naman sa isang opis­yal ng pulisya sa nasabing bayan na ang umata­keng grupo ng armadong ka­lalakihan ay mula sa grupo ng Muslim na lumusob sa pamayanan ng mga Kristiyano.

Samantala, nagsilikas naman ang 30 pamilya na naninirahan sa nabanggit na lugar sa takot na madamay sa bakbakan.

Pinaniniwalaan namang  alitan sa lupa ang isa sa motibo ng nasabing pag-atake habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments