LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawang obrero na inakusahang tiktik ng militar at PNP ang napatay matapos itong ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Tulay, Barangay Calumpang sa bayan ng Placer, Masbate kahapon ng umaga. Kinilala ang dalawa na sina Tito Laurio, 45; at Rizaldy Espares, 32, kapwa may asawa, mga doormat vendor at mga nakatira sa Barangay Kinamaligan sa Masbate City, Masbate. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang ratratin ng mga rebelde bandang alas-8 ng umaga. Narekober ang motorsiklo na pag-aari ni Vilam Absalom ng Barangay Nursery, Masbate City na sinasabing hipag ng isa sa mga biktima.