TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang estudyante na sinasabing pumuslit mula sa paaralan kasama ng iba pang kaklase ang namatay matapos malunod sa Cagayan River sa Barangay Cabanungan 2nd, Ilagan City, Isabela kamakalawa. Iniimbestigahan ng mga opisyal ng Isabela School of Arts and Trades Annex Campus ang pagkalunod ng mga biktimang sina Aries Sabado, 15, Grade 5; at Aljon Crisologo, 15, Grade 9. Ayon sa ulat, ang dalawa ay lumabas ng school campus bandang alas-9:30 ng umaga para maligo sa nasabing ilog. Ayon kay P/Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City PNP, lumahok na rin sa ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Council sa paghahanap kay Crisologo.