Sanggol itinapon sa basurahan

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa 7-buwang gulang na sanggol matapos itong itapon at natagpuan sa basurahang malapit sa Casa Moderna Restaurant sa Barangay Abella sa Naga City kahapon ng umaga. Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5:20 ng umaga nang matagpuan sa basurahan ang sanggol na nakasilid sa dilaw na plastic bag. Kaagad na dinala sa simbahan ang bangkay ng sanggol para pabasbasan sa pari bago ihatid sa huling hantungan.

Show comments