4 tiklo sa baril at shabu

OLONGAPO CITY, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat-katao makaraang makumpiskahan ng baril at shabu sa Barangay Barretto, Olongapo City kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Rodel Basos Paragas, commander ng police station 6, kinilala ang mga suspek na sina Elmerson Magtanong, 34; Jason Bueta, 21, mga residente sa Barangay Gordon Heights; Joan March Macahibag, at si Noel Wallace, mga nakatira sa Barangay Barreto. Dakong alas-7:30 ng umaga nang sitahin ng pulisya ang mga suspek na magkakausap sa gilid ng nakaparadang motorsiklo. Namataan may sukbit na baril sa baywang si Magtanong kaya ito pinigil ma­ging ang tatlo pang suspek na nakumpiskahan naman ng shabu. Pinaniniwalaang may planong mangholdap ang mga suspek nang sitahin ng mga operatiba ng pulisya.

Show comments