2 dedo sa inuming tubig-bukal

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang namatay habang 14 naman ang isinugod sa ospital makaraang uminom ng tubig-bukal sa General Santos City, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Region 12,  kabilang sa dalawang 15-anyos na dalagita at 15-anyos na binatilyo na mga residente sa Sitio Mangkat, Barangay Kiram, Malapatan sa nasabing lungsod. Karamihan sa mga biktima ay mga bata at matatanda mula sa tribong B’laan na nagsimulang dumanas ng diarrhea at typhoid fever dahil sa tubig-bukal sa bundok sa kanilang lugar. Nabatid pa na bukod sa 14 pang nakaratay sa pagamutan ay mayroon pang mga katutubong dumaranas din ng diarrhea sa Barangay Kinam na hindi pa naisugod sa pagamutan. Kaugnay nito, nakatakda namang suriin ng health officials ang sample ng tubig-bukal.

 

Show comments