42-drug peddler, arestado

QUEZON, Philippines – Aabot sa 42-katao na sinasabing mga drug peddler ang nasakote ng pulisya sa pinaigting na operasyon laban sa ipinag babawal na droga kamakalawa. Ayon kay P/Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, inatasan niya ang lahat ng chief of police sa 39 bayan at 2 lungsod sa Quezon na ipatupad ang “One Time, Big Time” laban sa bawal na droga. Kabilang sa naaresto ay si Leonardo Palad na sinasabing notoryus na drug pusher sa bayan ng Lopez, Quezon. Naaresto rin ng mga tauhan ni P/Supt. Joel de Mesa ang limang notoryus drug peddler sa Lucena City habang tatlo naman sa bayan ng Sariaya, at dalawa sa bayan ng San Narciso, Quezon. Nakapaloob sa operasyon ang 20 arrest warrant at 8 search ng mababang hukuman kung saan nagresulta sa pagkakadakip sa kahalintulad na bilang ng drug pusher sa iba’t-ibang bayan.

 

Show comments