^

Probinsiya

Suspected bomber, 4 pa naaresto

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

Kabacan, North Cotabato, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang hinihinalang “bomber” na umano’y  responsable sa pagpatay sa dating bise alkalde ng Kabacan matapos ang “One time Big time” operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa nasabing bayan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/SSupt. Ale­xander Tagum, Provincial director ng Cotabato Police Provincial Office ang suspek na si Omar Sultan alias ‘Menu’ Derby Gani Manok, 35, may asawa at residente ng Brgy. Lower Paatan, Kabacan, North Cotabato.

Apat pang kasamahan ng suspek ang nahuli na sina Monger Kusain, 25, kasapi ng BPAT sa Pagalungan, Maguindanao; Rahib Pilas Inggam, 22, ng Brgy. Kayaga; Abu Hajitaib, 34, ng Balong, Pikit at isang pang hindi tinukoy ang pangalan.

Pinaniniwalaan na si Sultan ang responsable sa mga paghahagis ng granada at pambobomba sa bayan ng Kabacan at iba pang lugar sa lalawigan.

Nakuha mula sa bahay ni Sultan ang isang 5mm na baril, kalibre .45 na pistola, 1 granada, tatlong karnap na motorsiklo at mga folded foil. Narekober din maging ang  isang kalibre .45 na pistol at 9mm pistol na pag-aari ng mga pulis na sina SPO1 Oro at SPO1 Desendario.

Matapos na madakip, iprinisinta kay Kabacan Ma­yor Herlo Guzman Jr. ang mga suspek sa isang pulong balitaan. 

Ayon kay PSI Ronnie Cordero na walo ang nahuli nila sa magkakahiwalay na lugar sa isinagawang operasyon. Maliban sa Brgy. Lower Paatan hinalughog  ang bahay ni Rex Bacana ‘alias’ Toto sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan at nakuha ang mga baril at bala sa kanya. Huli rin ang isang Bai Lindongan Guiamalod, ng Brgy. Kayaga, Kabacan makaraang makuhanan ng ipinagbabawal na droga.

ABU HAJITAIB

ACIRC

ANG

BAI LINDONGAN GUIAMALOD

BRGY

COTABATO POLICE PROVINCIAL OFFICE

DERBY GANI MANOK

HERLO GUZMAN JR.

KABACAN

KAYAGA

LOWER PAATAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with