^

Probinsiya

1 patay, 9 kritikal sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sumalubong kay kamatayan ang isang 35-anyos na magsasaka habang 9 naman ang kritikal na karamihan ay estudyante, sa magkahiwalay na aksidente sa Peñablanca at Gattaran, Cagayan kamaka­lawa. ?Sinabi ni case investigator PO2 Willard Baccay na nakisakay lamang si Dimas Pamittan, 35, sa motorsiklo ng kanyang pinsan na si Michael Taguinod, 24, nang bumaligtad sila sa sinking road ng Brgy. Quibal sa Peñablanca.? Kapwa isinugod ang magpinsan sa Cagayan Valley Medical Cen­ter (CVMC) subalit inideklarang patay si Pamittan. ?Sa bayan ng Gattaran, kapwa lango sa alak ang mga drayber na sina Eny Ancheta at Robert Blanza nang magkasalpukan ang mga tricycle nilang hindi rehistrado sa Barangay Takiki. ?Nang-agaw ng linya si Ancheta na nagresulta sa salpukan sa kasalubong na tricycle ni Robert Blanza na noon ay sakay ang mga estudyanteng sina Lemuel Gregorio, 15; Elvis Corpiz, 13, John Oliver Avila, 17 at si Rey Fernandez, 45. ?Tumilapon at nagpa-gulung-gulong sa kalsada ang mga biktima na isinugod sa Ramon Nolasco Hospital matapos ang insi­dente. Sa bayan ng Solana, sa CVMC naman humantong ang estudyanteng si Josephine Basun 16 at drayber na si Gavino Labuguin, 25, matapos salpukin ng minamanehong tricycle ng nahuli ang likuran ng sinusundang firetruck ng Bureau of Fire Protection sa Brgy Lingu. Kusang sumuko ang drayber ng firetruck na si FO1 Antolin Soriano matapos ang sakuna.

ACIRC

ANG

ANTOLIN SORIANO

ATILDE

BARANGAY TAKIKI

BRGY LINGU

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CEN

DIMAS PAMITTAN

ELVIS CORPIZ

ROBERT BLANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with