NORTH COTABATO, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang mga lalawigan ng Sarangani at Davao Occidental sa bahagi ng Mindanao kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang alas-7:23 ng gabi nang maramdaman ang lindol kung saan ang sentro nito ay natukoy sa layong 125km sa silangang bahagi ng nasabing lugar at may lalim na 120 kilometro. Naitala rin sa General Santos City ang intensity 1 at sa ilang bahagi ng Sarangani province. Gayon pa man, walang naitalang nawasak na ari-arian at nasugatan. Wala namang inaasahang anumang tsunami at aftershocks.