Misis inutas, motorsiklo tinangay

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang isang babae matapos na barilin sa ulo ng dalawang lalaki at tinangay pa ang kanyang dalang motorsiklo kamakalawa sa Jamela Subdivision, Polomolok, South Cotabato. Agad na nasawi ang biktima na si Sharon Calamba, nasa hustong gulang, may-asawa at residente ng nasabing lugar bunga ng tama ng bala sa ulo nang barilin dakong alas-2 ng hapon. Matapos na bumulagta, mabilis na tinangay ng mga suspek ang sinakyan ng biktima na motorsiklo (Honda XRM).

Show comments