171 mag-aaral at DSWD staff nalason
NORTH COTABATO, Philippines – Dahil sa umano’y panis na pagkain na ipinamahagi ng lokal na opisyales sa Kolabugan, Lanao del Norte, may 171 katao kabilang ang mga mag-aaral at staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayon ang nakaratay matapos na malason kamakalawa.
Ayon kay DSWD regional spokesperson Charmaine Tadlas, naganap ang food poisoning ng pasinayaan nila ang isang proyekto sa Kulasihan Elementary School sa Kolambugan, Lanao del Norte.
Mula sa nasabing bilang, 15 dito ay mga staff ng ahensya na nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka na isinugod sa magkaibang pagamutan.
Gayunman, tiniyak ni Tadlas na nasa ligtas nang kalagayan ang mga kawani at mga mag-aaral matapos na malapatan ng medikasyon.
Isang packed lunch ang ipinamudmod ng local barangay officials na kinain mga mag-aaral at DSWD staffs na maaaring sanhi ng pagkalason.
Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Department of Health sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez
- Latest