31 mag-aaral nalason sa cassava
MANILA, Philippines – Umabot sa 31 mag-aral ng Suclaran National High School sa bayan ng San Lorenzo sa Guimaras ang nalason sa kinaing matamis na cassava noong Martes. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ethan Estaya, hepe ng San Lorenzo PNP, sampung lalaki at 21 babaeng estudyante na bumili ng cassava sa school canteen bandang alas-9 ng umaga. Gayon pa man, bandang alas-2 ng hapon nang magsimulang sumakit ang tiyan ng mga biktima kung saan nagsuka at nahilo. ?Naisugod naman ang mga biktima sa Guimaras Provincial Hospital kung saan 16 ay nakalabas na sa ospital habang inoobserbahan naman ang 13 at ang dalawa ay nanatili sa nasabing ospital. ?Kasalukuyang isinailalim na sa laboratory test sa Metro Manila ang mga samples ng cassava.
- Latest