Trike vs truck: Tsuper utas

QUEZON, Philippines – Nabasag ang bao ng ulo at namatay sa ospital ang 38-anyos na driver matapos na bumangga ang minamaneho nitong traysikel sa kasalubong na truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Villa Pa­dua, bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Jake Cruzat, may-asawa, at nakatira sa nabanggit na barangay habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Franklin Lorica, 59, ng Daraga Albay. Ayon sa ulat, bandang alas-6 ng umaga ay patungo sa Metro Manila ang truck (EVR-326) ni Lorica nang biglang mag-u-turn ang sinusundan nitong trike na minamaneho naman ng biktima. Hindi na nakaiwas ang truck kaya natumbok ang trike kung saan nakaladkad pa ng ilang metro. Mabilis na isinugod sa RAKK Hospital subalit namatay din ang biktima.

Show comments