Kuya dinedo si bunso

CAMARINES NORTE, Philippines – Bulagta ang 42-anyos na mister matapos itong ratratin ng kanyang nakakatandang kapatid dahil sa pagkatalo sa suntukan sa Sitio Magdalena, Concepcion Grande, Naga City sa Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo at sikmura ang biktimang si Jefferson Sarte habang nasakote naman ang suspek na si Jeffrey Sarte, 45, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa suntukan sa labas ng kanilang bahay. Makaraan ang ilang minutong suntukan, pumasok sa bahay ang suspek at muling binalikan ang kanyang nakababatang kapatid at walang habas na pinagbabaril. Naisugod sa Bicol Medical Center ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

Show comments