Trader inutas sa gasolinahan

CAVITE, Philippines – Napatay ang 48-anyos na babaeng trader matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa gasolinahan sa Barangay Manggahan sa bayan ng Ge­neral Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Evelyn Esguerra Nebreja ng Governor Hills Subd. sa Barangay Biclatan sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, nagpapagasolina ang biktima nang lapitan at barilin  ng tandem assassins bandang alas-8 ng gabi. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ang cal. 9mm pistol.

Show comments