^

Probinsiya

BIFF attack vs Army detachment, nasilat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasilat ng tropa ng militar ang pag-atake ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos tangkaing makubkob ang isang Army detachment sa bigong pag-atake sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.

Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Battalion, bandang alas-4 ng madaling araw  nang ratratin ng BIFF rebs ang detachment ng Army’s 34th Infantry Battalion.

Ayon kay Col. Edgar delos Reyes, commander ng Army’s 34th Infantry Battalion, ang umatakeng BIFF rebs ay pumuwesto may ilang metro ang layo sa kanilang detachment.

Sunud-sunod na putok ng malalakas na kalibre ng baril ang pinawalan ng mga rebelde pero taliwas sa inaasahan ay nakaalerto ang mga sundalo na mabilis na gumanti ng putok.

Tumagal ng halos isang oras ang putukan bago nagsiatras ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatan.

Nabatid na pinamumunuan ng alyas Commander Abu Bin Laden ang BIFF rebs kung saan ay pinaniniwalaang nalagasan ang mga ito base sa mga patak ng dugo na nakita sa dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Samantala, nagsilikas naman ang 30 pamilya sa takot na maipit sa bakbakan na nagsibalik lamang sa  kinahapunan.

ANG

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COMMANDER ABU BIN LADEN

INFANTRY BATTALION

MAGUINDANAO

MGA

NABATID

NASILAT

REYES

SHARIFF AGUAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with