^

Probinsiya

Guro inaresto sa pangmomolestya sa estudyante

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang guro na umano’y bading ang inaresto matapos na ireklamo ng 15-an­yos na estudyante dahil sa pangmomolestya sa loob ng faculty room ng isang computer school sa  Balagtas, Bulacan, iniulat kahapon.

Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Ferdinand Divina ang suspek na si Jesus Bernardo, 51 anyos, math teacher ng Asian Institute of Computer Studies sa Brgy. Borol 1st ng bayang ito.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Alejo, noong Nobyembre 11 dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente. Nagtungo umano siya sa faculty room upang isumite kay Bernardo ang kanyang assignment at dito sinabihan siya ng huli na huwag munang umalis sa silid.

“Wala namang masama na pumatol ka sa ?bakla, nagsasabi ka ba ng totoo sa magulang mo pano kung makipag-sex? sa girlfriend mo nagsasabi ka ba ng totoo,” pahayag umano ni Bernardo sa binatilyong estudyante.

Laking gulat ng biktima  nang bigla na lamang hipuin at pisilin ng guro ang maselang parte ng kanyang katawan at mabilis na ibinaba ang pantalon nito at isinubo ang ari. Sa takot na ibagsak ng titser, wala umano siyang nagawa kundi sumunod sa mahalay na guro.

Naikuwento ng biktima sa kaibigang mag-aaral ang sinapit nito sa kamay ng guro kung kaya sinamahan siyang i-report ito sa kanilang administrator hanggang sa makarating sa kaalaman ng magulang ng una na agad na  nagsup­long sa Balagtas Municipal Police Station dahilan ng pagkakaaresto ng guro.

Nahaharap ngayon ang nasabing guro sa kasong paglabag sa Republic Act 7610  o ang Sexual Abuse Law na isinampa na sa Provincial Prosecutor Office ng Malolos City.

ACIRC

ANG

ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES

BALAGTAS MUNICIPAL POLICE STATION

BERNARDO

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

FERDINAND DIVINA

JESUS BERNARDO

MALOLOS CITY

PROVINCIAL PROSECUTOR OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with