Koreano nalunod

MANILA, Philippines - Patay ang isang turistang Koreano matapos na mauwi sa trahedya ang paglilibang  nito at  ng kaniyang mga kaibigan  sa isang resort sa Brgy. Talisay, Lipa City, Batangas kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Sunhoon Choi, nasa hustong gulang ng Seoul, South Korea ay idineklarang dead-on-arrival sa Metro Lipa Medical Center.

Sa ulat ng Batangas Police, naganap ang insidente sa Meari One Resort sa nasabing lugar ng lungsod dakong alas-10:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima at mga kapwa nito turistang Koreano sa nasabing resort upang maglibang  nang mangyari ang insidente.

Nagulantang na lamang ang mga kasamahang Koreano ni Choi nang makitang lumulutang ang katawan nito sa swimming pool ng naturang resort.

 

Show comments