MANILA, Philippines - “A good friend of mine told me that don’t expect to win in a boxing match if you are outside the ring and this is why I run and I file my candidacy for senator.”
Ito ang tahasang sinabi ni Atty.Levi Baligod, ang pangunahing abogado ng mga whistleblower sa kontrobersiyal na multi-billion pork barrel scam hinggil sa naging pasya niyang sumabak sa senatorial race para sa May 2016 elections.
Ginawa ng batikang anti-corruption lawyer ang pahayag sa isang sorpresang birthday party na inihanda ng kanyang mga tagasuporta kasabay na ring nang paglulunsad ng Atty. Levi Baligod for Senator Movement sa Tejeros Hall ng Tejeros Hall, Armed Forces of the Philippines Commissioned Officers Club (AFP-COC), Camp Aguinaldo,Quezon City kamakalawa ng gabi.
Binigyang-diin ni Baligod na ang isa sa pinakamalalang uri korapsyon na nangyari sa pamahalaan ay nag-uugat sa pork barrel fund system, na naunang idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional na nagbunsod sa kanya upang tumakbong senador.
Sinabi rin ni Baligod na mas ninais niyang maging isang independent sa kanyang pagtakbo bilang senador at tiwala siyang marami ang susuporta sa kanyang anti-corruption advocacy.