Trader nilikida sa kalsada

BULACAN, Philippines – Napatay ang 55-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Santa Ines, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling araw. Apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Alberto Viola ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni PO2 Merwin Mendez, pauwi na ang biktima nang lapitan at barilin sa likurang bahagi ng katawan. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ang cal.9mm pistol habang inaalam pa ng pulisya ang pangunahing motibo sa pamamaslang.

Show comments