^

Probinsiya

Speed limit sa NLEx at SCTEx, ipatutupad

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Nagbabala ang Tollways Management Corporation (TMC) sa mga motoristang buma­bagtas sa North Luzon Expressway (NLEx) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na sundin ang itinakdang speed limit.

Ayon kay TMC Communication Specialist Francisco Dagohoy, nakasaad sa pinaka-latest na Joint Administrative Order ng Department of Transportation and Communications na may P2,000 multa para sa unang paglabag at sa ikalawang paglabag ay pagmumultahin ang motorista ng P3,000 na may kasabay na pagsuspinde ng driver’s license sa loob ng tatlong buwan.

Sa ikatlong paglabag ay papatawan ng anim na buwan ang suspension ng driver’s license.

Kapag humigit pa sa tatlong paglabag, ang non-professional driver’s license ay ipapawalang bisa ng dalawang taon habang ang professional driver’s license naman ay ipapawalang bisa na ang lisensiya nito habambuhay.

Aabot lamang sa 100 kilometers per hour ang pinakamabilis na takbo ng mga maliliit na sasakyan habang 80 kph naman para sa mga trak at bus sa nasabing mga highway.

Kukumpiskahin ng mga TMC patrol ang driver’s license ng mga lumalabag at iisyuhan ng ticket kung saan tutubusin sa Land Transportation Office.

 

AABOT

ACIRC

ANG

AYON

COMMUNICATION SPECIALIST FRANCISCO DAGOHOY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SUBIC-CLARK-TARLAC EXPRESSWAY

TOLLWAYS MANAGEMENT CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with