^

Probinsiya

Palengke nasunog: 15 patay, 12 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 15-katao ang namatay habang 12 naman ang nasugatan ma­karaang lamunin ng apoy ang pamilihang bayan sa  Zamboanga City, Zambonga del Sur  sa mismong bisperas ng Undas kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Dominador Zabala Jr., Zamboanga City District Fire Marshal, kinilala ang mga namatay na sina Kayulan Hasiddin, 48;  Musal Hasiddin, 45; Abei Salahuddin, 40; Nurul Salahuddin, 39; Marilyn Salahuddin, 32; Radzhata Hasiddin, 28; Ruhilyn Hamis, 26; Algabid Salahuddin, 20; Binnas Salahuddin, 20;  Radzmer Hassidin, 10; Nur Ais Hasiddin, 9; Noynoy Hasiddin, 5; Crissamae Hasiddin, 3; Bunay Hasiddin, 1; at Jasper Hamis, 1.

Sugatan namang naisugod sa Zamboanga City Medical Center at Brent Hospital ang mga biktimang sina Abduraham Hamis, 36; Albini Jaani, 32; Nasmiya Hamis, 9; Nasriya Hamis, 5; Annang Erilis, 45; Bennaser Hamis, 32; Almudzra Hamis, 31; Yasser Jamiri, 29; Nurmina Jamiri, 18;  Alvin Bete, 14;  Farhana Hamis, 9; at si Midzfar Hamis, 7.

Sa ulat ng Zamboanga City Risk Reduction and Management Council, bandang alas-3 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang 100 na tindahan ng ukay-ukay at mga gulay sa Magay Street, Barangay Zone 1.

Hindi na nakalabas ang mga biktima na sinasabing mahimbing na natutulog sa kani-kanilang tindahan.

Samantala, nadamay din ang mga katabing establisyemento at mga kuwarto na pinag-iimbakan ng mga panindang bigas at iba pa sa nasabing palengke.

Aabot naman sa P8 mil­yong halaga ng ari-arian ang napinsala sa nasunog na palengke habang patuloy naman ang im­bestigasyon.

ABDURAHAM HAMIS

ABEI SALAHUDDIN

ACIRC

ALBINI JAANI

ALGABID SALAHUDDIN

ALMUDZRA HAMIS

ALVIN BETE

ANG

ANNANG ERILIS

HAMIS

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with