^

Probinsiya

Bank supervisor na tumangay ng P29-M, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang ika-6 most wanted person na tumangay ng P29 milyon mula sa Phil. Veterans Bank sa isinagawang operasyon ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Esperanza Ibaba sa bayan ng Alfonso, Cavite noong Miyerkules.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Arthur Gadon, ex-bank cashier supervisor sa nasabing banko at nakatala bilang No.6  most wanted sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite sa Camp Crame,  ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa dalawang kaso ng qualified theft na inisyu ni Judge Mona Lisa Tiongson-Tabora ng Manila Regional Trial Court Branch 21 na walang piyansa. Base sa record ng pulisya, ang suspek ay bank cashier supervisor sa nasabing banko sa Legaspi Village, Makati City na pinatalsik matapos itong makipagsabwatan sa 2 bank tellers at loan bookkeeper sa pagnanakaw ng ­P29 milyon noong Disyembre 2014. Nagtago na si Gadon sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng Alfonso, Cavite at Metro Manila matapos sampahan ng kaso.

ACIRC

ARTHUR GADON

BARANGAY ESPERANZA IBABA

CAMP CRAME

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUDGE MONA LISA TIONGSON-TABORA

LEGASPI VILLAGE

MAKATI CITY

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with