Shootout: Puganteng pusher utas

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 44-an­yos na puganteng drug pusher matapos itong maki­pagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Mercado, bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Lorenzo De Leon ng Purok 4 sa nasabing barangay. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, sinalakay ng pulisya ang pinagkukutaan ni Lorenzo kung saan nakipagbarilan ito hanggang sa mapatay. Si Lorenzo ay naunang nasakote sa buy-bust operation  ay nakapuga sa kasagsagan ng bagyong Lando kung saan sinamantala nito ang mataas na tubig-baha na pumasok sa himpilan ng pulisya. Narekober kay Lorenzo ang magasine ng cal.45 pistol, ilang pakete ng shabu, granada at motorsiklo.

 

Show comments