60 nadale ng haze sa General Santos

MANILA, Philippines – Tumaas ngayon ang bilang ng mga pasyente sa Doctor Jorge Royeca Memorial Hospital sa General Santos City dahil sa pagkalat ng lethal haze na nagmula sa forest fires ng Indonesia.Umaabot na 60 pasyente ang isinugod sa nasabing pampublikong ospital kung saan karamihan ay nakararanas nang pag-ubo. Ayon kay Dr. Ma. Cristina Ramizo, pediatrician at secretary ng General Santos City Medical Society, dumami ngayon ang dinala sa pagamutan at mga klinika na may ubo at asthma. “Para sa mga magulang, kung maaari ‘wag munang palabasin sa bahay ang mga anak dahil makasasama sa kalusugan ang naranasang haze,” payo ni Dr. Ramizo. Sinabi ni Dr. Ramizo, kung hindi maiiwasang lumabas ng bahay ay mas mabuti na pasuotin na lamang ng face mask ang mga bata para mabawasan ang epekto ng haze sa kalusugan.

 

Show comments