CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang pagseselos ang isa sa motibo kaya pinatay sa saksak ang isang estudyanteng babae ng kanyang ka-live-in bago ito nag-suicide sa Barangay Salians 3, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.Kinilala lamang sa pangalang Dianna ang babaeng high school student at nakatira sa Barangay Salinas 4 habang nagsaksak naman sa sarili ang 42-anyos na si Michael Cabalhug, pedicab driver, ng #17 Emerald Street sa Camella Homes 2C, Brgy. Salinas 3, Bacoor. Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, huling namataang buhay ang dalawa na nagtatalo bandang alas-5 ng umaga kung saan humantong sa pananaksak sa babae. Nang makitang napatay ang babae ay nagsasaksak din sa sarili si Cabalhug. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa pakikipagkalas ng babae kaya nagalit ang lalaki kung saan humantong sa pananaksak.