^

Probinsiya

Mag-uutol patay sa karne ng pawikan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa tatlong mag-uutol matapos itong malason sa kinaing pritong karne ng pawikan kamakalawa ng umaga sa Barangay Liang, bayan ng Irosin, Sorsogon.

Kinilala ang mga namatay na sina Juvelyn Alon, 1; Jacob Alon, 3; at si Jose Bernando Alon, 5, mga nakatira sa nasabing lugar.

Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nakabili ng karne ng pawikan ang mag-asawang Pio at Theresa Alon sa naglalakong si Norman Gacias.

Magkakasabay na na­nanghalian ang pamilya Alon sa nilutong karne ng pawikan kung saan unang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka si Juvelyn kaya isinugod sa Irosin District Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Isinugod din Sorsogon Provincial Hospital sina Jacob at Jose matapos makaranas ng pananakit ng tiyan at pagkahilo subalit hindi na rin umabot ng buhay.

Sa pagsusuri ni Dra. Maxima Gonzales, kontaminadong karne ng pawikan ang nakalason sa mga biktima habang pinag-aaralan naman ng pulisya ang pananagutan ni Gacias na nagbenta ng karne ng pawikan sa pamilya Alon.

ALON

BARANGAY LIANG

CAMP SIMEON OLA

IROSIN DISTRICT HOSPITAL

JACOB ALON

JOSE BERNANDO ALON

JUVELYN ALON

MAXIMA GONZALES

NORMAN GACIAS

SORSOGON PROVINCIAL HOSPITAL

THERESA ALON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with