Mister iniwan ng misis, nagbigti

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Tuluyang namatay sa pagpapakamatay ang 37-anyos na mister na sinasabing kinalasan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanyang bahay sa Purok Masunurin, Barangay 8 sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktimang si Giovanni Nunez na nagbigti sa kisame ng kanyang kuwarto. Ayon sa ina ng biktima na si Jenny, noong nakaraang linggo ay dalawang beses na nagtangkang mag-suicide ang biktima sa pamamagitan ng paghiwa sa pulso subalit nakaligtas matapos na maisugod sa ospital. Dinamdam ng biktima ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng asawa kaya ipinasya na lamang nitong magpasalubong kay kamatayan.

Show comments