7 tiklo sa shabu session

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang pito-katao na sinasabing adik sa droga makaraang masakote sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga Barangay Tambubong at Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Romeo “Bayak” Llagas Jr., 37, anak ng dating pulis at ika-7 sa listahan ng drug watchlist; Eduardo Santiago, 28, ng Brgy. Tabing Bakod; Eugene Bautista, 37, ng Brgy. Tumana sa Sta. Maria; Arnel Morelos, 39, ng Brgy. Lolomboy, Bocaue; Jay Bautista, 25, ng Brgy.Partida, Norzagaray; William Agustin, 34; at si Yuri Bauyon, 22, ng Brgy. Bambang, Bocaue. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Ganaban Ali, ang mga suspek ay naaktuhan sa shabu session sa dalawang bahay. Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments