Misis nangaliwa dedo sa mister
MANILA, Philippines - Napatay ang isang misis na sinasabing nangangaliwa matapos itong pagbabarilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang apartment sa Estrada Street, Barangay Tetuan sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang misis na si Aireen Iskandal na tubong Olutangga, Zamboanga Sibugay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Abdenazrif Iskandal ng Parang, Jolo, Sulu. Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa inuupahang kuwarto ng mag-asawa sa Monal Apartment dakong alas-9:20 ng umaga. Ayon sa imbestigasyon, natutulog ang biktima ng lapitan at ratratin ng suspek na may matinding panibugho. Sinasabing love triangle ang motibo sa krimen kaugnay ng napaulat na pagtataksil ng biktima sa kaniyang asawa base sa pahayag ng pinsan ng suspek na si Kimhar Piddih.
- Latest