3 minero utas sa poison gas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, , Philippines - Tatlong pasaway na minero ang namatay matapos makulong at makalanghap ng nakakalasong kemikal sa abandonadong minahan sa Sitio Luneta, Brgy. Antamok sa bayan ng Itogon, Benguet kahapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina  Sabado Maliongan, Igan Lumibiang, at si Ricky Licawen na mga nakatira sa lalawigan ng Abra.? Sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na nalaman lamang ang insidente nang humingi ng tulong sa kominidad ang kasamahan ng mga biktima matapos mabigong lumabas ang mga ito sa tunnel may ilang oras na ang nakalipas.? Ayon pa sa alkalde na nakapuslit ang mga biktima sa tunnel dahil matagal nang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ang magmina sa nasabing lugar dulot ng naiwang poison gas sa minahan.

Show comments